links etcetera tagboard archives blog entries about the author

{ Version 05 : Starry Night }

[ Best viewed in IE, 1024x768 resolution]

Hi! You have stumbled upon Atchi's little page.
Click on the stars outside the box for the navi.

There, enjoy the starry background and don't forget to tag! ^^" <33

The Adventures of Dadji and Atchi (Part 2)
Saturday, June 03, 2006

Hindi ko akalaing may part 2 pa ang aming commuting adventure. Pero yung kahapon, e sobrang mas hanep pa kaysa sa trip to St. Scho namin noon na sobrang malapit lang. Paano kasi, Makati yung destinasyon namin kahapon. Tapos magcocommute! E di ayos!

Ang Imbitasyon

Kahapon ng umaga (ka-umaga?!), nagtatapos ng mga reports sina Marmar at Dadji at pati ako nakikitulong. Tapos noong mga 1:30 ata ng hapon, sabi ni Dadji, aalis na daw siya. Niyayaya niya si Jobitats pero di sumama kasi nga may Naruto siya at Yugi-Oh kaya ako naman ang tinignan ni Dadji. Oo naman ako para exciting. Aba, bihira lang ako makapagcommute tapos may kasama pa ako! E Makati na ang pinag-uusapan, siyempre, iba na ang dating non! Dali-dali akong naligo at nagbihis (first time kong 5 mins. lang sa banyo. haha!) kasi si Dadji yung tipo ng tao na hindi inaaksaya yung oras kaya sobrang nagmadali ako dahil ayoko rin namang ako ang dahilan ng pagkadelay niya.

Excited?!

Sa sobrang excitement ko, binuksan ko na yung gate at halos lumabas na ng bahay. Nakalimutan kong magkokotse muna kami tapos bababa na sa may Q Plaza. Hehe. Akala ko maglalakad kami palabas ng gate at lahat. Ban lang pala, hindi sira ang kotse. Buti na lang!

Dun sa sakayan ng jeep...

Ayun. E di sumakay kami ng jeep papuntang LRT. Ayos lang naman. Walang masamang loob. Kaso nga lang, kahit na tumakbo na kami sa may daanan ng tao, umalis na yung tren. Haha. Minamalas nga naman. Pero, that time, di pa kami nakakakuha ng pass kaya ayos lang.

Sa may istasyon.

Andaming tao sobra. Pero mas madami pihado sa pasukan. Siguro di lang ako sanay sa mga matataong lugar na tulad non kaya madami ang tingin ko. Sinusundan ko na lang si Dadji sa pasikot-sikot kasi nga neophyte pa ako. Haha.

E di pumila na kami sa may kuhanan ng pass. Sinabi ni Dadji kung pano. Na-gets ko naman. Tapos pinapanood ko rin yung mga nasa harapan ko. Aba. Mahirap nang mapahiya. Malalaman nilang di ako sanay! 0_o Kaso nga lang, anak ng pating na shark, hindi tinanggap yung 20 pesos ko nung makina! Kung sa bagay, medyo dilapidated na nga yung bill. E di nakipila na lang ako kay Daddy (naghiwalay kasi kami ng pila para kung anong mauna, dun). Tapos, buti naman, tinanggap yung mga bills namin kasi wala pang bills si Dadji noon.

First time ko siyempre dun sa may lagayan nung pass. Haha. Kailangan palang ipasok dun yung card, tapos kukunin ulit at hahawakan hanggang makaabot sa babaan kung hindi, hindi ka makakalabas!

Sasakay na tayo sa tren...

Ayos sa loob ng LRT. Malamig. Maraming upuan. Hindi masikip. Yun ay noong papunta palang kami ng Katips station. Tapos dumami ang tao. Pero ayos lang. Nakaupo naman kami. :D

Naalala ko tuloy yung pre-recorded voice na nagsasabing, "Paparating na sa Anonas station." Haha. Hanep.

Tapos na ang maliligayang sandali.

Bumaba kami sa Araneta Center/Cubao station. Laking gulat ko nang nakaharap ko ang Gateway. Pasensya. First time ko kasi kaya di ako mapakali. Titingin-tingin ako habang tumatakbo dahil sa sobrang bilis ni Dadji. Tapos, dumaan kami sa Araneta Center. Woohoo. Bilis pa rin ni Dadji. Sobra.

Tapos, sinabi pa ni Dadji, "Wala namang masyadong naaaccomplish kapag naglalakad lang e di bilisan mo na para walang oras na maaaksaya. At makakabuti sa katawan ang brisk walking." Oo nga naman ano. E di sige. Lakad pa rin.

Whew! Hottah, hottah!!

Umabot na rin kami sa wakas sa bilihan ng pass. Medyo mahaba ang pila pero tuloy-tuloy naman ang pag-andar kaya ayos lang. Ayan sige. Sasakay na naman ng tren! Papunta na kami ng Buendia! Hanep!

MRT na to!

Ayan. Tulad ng inaasahan, hindi na kami nakaupo sa dami ng tao. E di siyempre nakatayo kami. Pero hindi ako nalungkot o napagod. Nakakatuwa nga eh. Hehe.

"Manong, first time mo rin ba?!"

Kung nakatayo ka sa tren at hindi ka marunong magbalance, malamang ma-ooff-balance ka! May mama na nakatayo sa harapan ko. Nung umandar yung tren, bigla na lang siyang na-off balance sa mukha ko! Pero ayos lang kasi nagsorry naman siya. Naisip ko tuloy, "Manong, first time mo rin ba?!" Natatawa ako sa loob-loob ko.

Ayon. Buong biyahe akong nakatayo habang minamasid ang ibang tao, ang mga nagkalat na billboards, at pinakikinggan ang mga bihirang salitaan ng mga tao.

Sa pagbiyahe namin, maraming bumaba ng tren at maraming sumakay. Pero isa lang ang sigurado: Yung batang malapit sa amin ay nanonood ng Captain Barbell. Kinanta ba naman.. *ehem* "Tibay at lakas ng loob..." Wala lang. Hehe.

Makati, here I come!

Umabot na rin kami sa wakas sa Makati. Grabe ang init. Sobrang tumatagaktak na ang pawis ko. Sumakay pa kami ng jeep papunta ng building ng BPI. Grabe ang siksikan sa dyip. Mukha kaming mga sardinas na siniksik ng husto sa lata. :P

Tapos, bumaba na kami sa may hindi-ko-alam-ang-pangalan street at nakipagpatintero sa mga sasakyan. Hay sa wakas! Ang BPI Building! Dito pala ang opisina ng BFS. 24th floor. Ayos lang kasi may elevator. Aba, dapat lang!

Sa opisina ng BFS.

Pumasok si Daddy sa may loob ng opisina nila para ideliver ang mga report habang nag-aantay ako sa may lobby. Antagal naman. Kaya titingin-tingin ako sa iba-ibang bagay: sa lalaking nakadilaw na may hawak ng GTech na bolpen/gel pen habang kinakausap ang isang mag-asawa, sa batang humihiyaw at sinabihan ang guard na "Baboy ka guard!", sa mga mensaherong nakikipag-usap sa babae sa likod ng salamin, sa mga dumadaan sa high-tech na pintuan nila, sa mga kumakain, umiinom ng kape at umaalis. Kaso, bored pa rin ako. Wala akong nagawa kundi mag-antay. Ayan. Sa wakas, natapos na ang kwentuhan nina Daddy at ni Boss Gene (na hindi ko nakita). Kinuha namin yung tseke at umalis na.

Hmm. Kakaiba!

E di bumaba na nga kami at kinuha ni Daddy yung ID niya sa guard. Kaso, natagalan kaming hanapin ang pangalan ni Daddy sa logbook! Imposible! Pero nalocate din namin kahit papaano. Ewan ko ba. Hehe.

Habang naglalakad kami, may naramdaman akong patak sa mukha ko. Ano yon!? Tapos, nawala na. E di sige, lakad lang. Tapos biglang umambon, tapos umulan! Hay, buti na lang kumain muna kami sa may Chowking. Grabeng lakas ng ulan noong nasa loob kami! Ayos lang, nagpapakasaya ako sa mantao at halo-halo ko! Heehee!

Paglabas namin ng Chowking, malakas pa rin ang ulan. Buti na lang may payong kaming dala! Kaso, nasira yung payong!?! Ano ba yon? Pero nagamit pa rin namin kahit papano. Weirdo lang kasi saktong umuulan tsaka nasira. *Kung sa bagay..*

Lagi na lang umuulan.

Pagkatapos sumakay kami ng jeep papuntang LRT station (nakalimutan ko na kung ano dun) tapos yung iniisip ni Daddy na istasyon, nilagpasan nung driver! Tapos tinanong ni Daddy dun sa isa pang pasahero kung papuntang Guadalupe yung dyip. Oo daw. Tinanong kami kung dun ba namin balak sumakay sa nakalimutan-ko-na station. Oo naman kami. Sabi niya sa amin, dapat daw pumara kami bago lumagpas ng overpass! Aba malay ko ba. Pero ayos lang.

Sa Guadalupe.

Madulas na yung kalye dahil sa ulan. Hindi tuloy ako makatakbo. Ayoko namang pati damit ko mababasa! Nakakahiyang madulas dun no! Buti na lang may ticket na kami kaya tuloy-tuloy lang kami. Hay salamat. Pauwi na kami. Tapos umabot kami ng Araneta ulit. Ang hirap maglakad! Baha na dun kaya halos madulas-dulas na ako. Pero sa loob ng Gateway at Araneta, hindi na ganon kaputik.

Sa Cubao. Papuntang Santolan.

Umuulan pa rin. Pero malapit na sa bahay kaya sige na. Siksikan pa rin. Standing room pero ayos pa rin ako.

Pauwi na kami.

Malakas pa rin ang ulan pero medyo humuhupa na nang marating namin ang Santolan. Sumakay kami ng dyip papuntang Q Plaza! Finally! Pero yung dyip na sinakyan namin ang pinakasiksikan (to the point na nakadekwatro na ako para di masyadong masikip!) pero sige lang. Tiis na lang.

Malapit na.

Bago umuwi, dumaan kami ng CVC para bumili ng ibang bagay tapos ayun, sa VC dahil sa nakalimutang asin. Umuwi na kami at doon natapos ang kakaibang adventure ko noong huling weekday ko ng summer. : )

3:34 PM |

{ The Girl }

Abygail June

15 turning 16.
fanatico.
writer-slash-editor.
newspaper girl-turned-rotten vegetable.
"musically-inclined."
obsessed with Buble, Sitti, Groban, oldies.
a blogger.
usually a nocturnal being.
A HOMO SAPIEN. :]

Ich. Moie. Aby. ♥

{ Tag-board }


{ Missed an entry? }

Nothingness.
omg. OMG!!?!!!
Hanep to.
Mee latest skins. Weeh!
New skins.
The Aftershower Drama & Other Blahs
Classical dumbness at its finest.
Fabulous Anagrams
Gonna hold on for my health.
Huling Hirit ng Summer.


May 2006
June 2006
July 2006
August 2006

{ Miscellaneous }

Subscribe with Bloglines
SUBSCRIBE TO MY BLOG!


TEEN BLOG AWARDS!

PHANTOM SONGS on IMEEM
SITTI NAVARRO on IMEEM
MICHAEL BUBLE on IMEEM