Hindi ko ito ninais. Hindi ko rin alam kung paano, bakit at kailan. Pero eto na nga ako. Nagtataka kung bakit ito ang nararamdaman ko. Ayoko sana ng ganito - pilit kong iwinawaksi pero laging bumabalik. Anong bang meron ka?
Ayokong malaman mo kung sino ka dahil hindi rin naman ako sigurado dito. Ayoko ng ganito dahil gusto kong normal lang ang lahat. Masyado lang akong naguluhan. Ako ba'y nahuhulog na sa patibong mo?
Kasulukyang nababaliw sa mga henyong short hair tulad ni Shigeru. Tch.