Ayun naman yon. Napakasaya ko kasi tapos na ang UPCAT. Yes, sa wakas, 2 CETs na lang. Isa yung ACET tapos yung sa PSBA. ACET is on September, PSBA - no idea.
Ang schedule ko ng UPCAT ay:
Saturday, August 5, 2006, College of Business Administration
At kanina nga yon, sabi ko nga.
Nakarating kami sa UP ng mga 5:30 tapos medyo naligaw kami sa may Math Building kasi dun kami dumaan sa shortcut at hindi namin dineretso ang Katipunan. Mabuti na lang at maraming nakakalat na mamang guard doon. Medyo nakakalito nga lang yung sinabi nung isa... pero at least, narating namin ng maluwalhati ang Business Admin ng mga quarter to 6. Ayos.
Nagpark kami sa tabi ng building ko. Tapos, nakita ko si Julie [Dairo] at di ko alam na may iba pa pala akong ka-schedule. Tapos bigla na lang sumulpot sina Jena [Chua], Riezel [Briones], Alyssa [Ricabo] at [si Andrea ba yon?]. Ang hindi ko nakita ay si Mau. Ano ba naman yon. Pero ayos lang, sige. Di ko rin naman mahihingan ng sagot yon, di ba? [Oy, di ako nandaya kanina, baka akalain nyong ganito pala ako mag-isip at kumilos!]
Pumila na kami sa tapat ng pintuan ng building ng mga 6:00. Syempre dun na ako sa may harap para makapasok agad. By batch kasi, kung sino maunang pumasok, magkakasama sa isang room. Kaya naman sa room namin, 5 kaming Kulasa [except Julie and Mau] at ayos naman. Aircon ang aming kwarto, Room 303 ng Business Ad. Kakaiba ang mga upuan kasi ganito: bawat row, may 4 chairs na pang-apat na tao [malamang...] tapos yung 4 chairs na yon ay magkakaconnect. Anlabo nga eh. Di ba dapat magkakalayo man lang kasi nga exam yon? Weird. Kaya naman ayon.
Mga 30+ kami sa kwartong iyon, malamig [na malamig] kaya medyo hindi comfortable. At ayun, mga 7:00 nagsimula ang test, pagkatapos ng mga shading-shading ng pangalan at explanations ng instructions.
At nagpatuloy ang pagdurusa hanggang mga 11:30/11:45.
Hindi na nga ako nakakain/nakainom maliban sa isang pirasong Mentos [binili ko pa yung madami..] tapos onting inom ng tubig para di mahilo. Humingi pa nga yung examiner namin ng candy. Tsk, akala ko i-coconfiscate niya. Hindi yata pwede yon no! Tch.
Grabe, ang lamiiig sa loob ng room. Kung kailan patapos na ang test eh tsaka ako kinilabutan sa lamig. Kakaiba.
Tapos, lumabas kami sa back part ng building para walang traffic sa amin ng next batch.
At ayun, umuwi na kami. Haay salamat.
[Ok lang yung test kaso di ko natapos ang Math. Medyo nabaliw ako sa Science pero ok lang yung English.]
ACET pa...